A portion of a forwarded e-mail I received yesterday:
Tapos itong isa naman sabi: “Mabait lang ako sa babae kaya ako ganito sa iyo.” Lalong masakit! Bakit? Hanep naman kasi. Bibisitahin ka linggo-linggo sa bahay, magiging sweet sa iyo, kakantahan ka pa, yayakapin, hahalikan at higit sa lahat sasabihing napakaganda mo at napakabait at ano ba yun ‘special’ girl ka sa kanya. Hindi mo aakalain na normal lang pala nyang ginagawa yun. Ikaw naman, mafofall ka, hindi mo mapigilan. Pero wala ka namang magawa. Ang sabi ko naman sa sarili ko ngayon, “it’s your loss, not mine.”
My edited version, hehe:
May mga guys na sadyang mabait at maalalahanin. Nandiyang i-complement ka sa tuwing magkikita kayo! Aaargh... ang sakit! Bakit? Hanep naman kasi. Magiging sweet sa iyo, text you sweet nothings, at higit sa lahat sasabihing napakaganda mo at napakabait mo. Ano ba yun ‘special’ girl ka sa kanya? Or should I say, I'll always be his "favor girl"! Shet! Ganun na lang ba talaga? Oo nga, never assume and never expect. Pero, heller! Ano ba ko bato para hindi makaramdam? You treat me in some special way unlike my peers! Sa totoo lang, hirap na rin akong maintindihan ang sitwasyon. Hindi ko pa rin ma-figure out kung normal ba nyang ginagawa yun! Ako 'tong gaga na unti-unting nahulog sa kanya, hindi mapigilan ano mang effort ang gawin ko! Wala talaga akong magawa. Kaya ngayon, lie low muna ever! Pa-girl ba! It's my only way to find out if he's into me or not. Kahit papano may development. Ikaw ba naman ang tikisin siya ng ilang araw! And I guess siya ang nag-give up. Pero subtle uli. Nakakapraning, nakakapagod din! But is he worth it? Siguro nga... kase di naman ako mawiwindang nang ganito kung hindi, di ba!!!
1 comment:
i like the word, windang.. hehehe.. bakit may mga nawiwindang sa kanya? hehehe.. just think girl na ikaw eh hindi gumagawa ng effort to reach out to him. unlike the others who have crossed a certain limit just to get noticed... so hold on and take it easy...
Post a Comment